Bumalik
tayo sa nakaraan kung saan simpleng-simple pa ang buhay ng mga Pilipino.Wala
pang mga magagarang mga kasuotan, simpleng-simple talaga ang isinusuot ng mga
kabataan noon.Noong mga araw kung saan hindi pa lumago ang teknolohiya at wala
pa ang social media.Hindi ba’t tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng
kani-kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kababaihan ay
kagalang-galang, “MariaClara” nga kung sila’y ating tawagin.
Kung gusto naman ng isang binata ang isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha
ang matamis na oo ng dalaga.Usong-uso pa noon ang pagpapadala ng liham ng mga
kalalakihan sa mga babaeng kanilang nililigawan. Sa ilang programang ating
napapanuod sa telebisyon, kailangan munangmamanhikan ng lalaki upang masigurong
magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sapiling ng lalaki. Ang mga
kabataan noon masunurin, magalang, walang bisyo,simpleng-simple atmaka-Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay tutok sa
kanilang pag-aaral, hindi pa inaatupag ang pag-ibig kundi nagsisikap sila upang
makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho at kinabukasan.
Sa ngayon, kaunti na
lamang ang mga kabataang ganyan. napakadali
na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang isang bababe. Ang ilan nga’y sa text na nagkaligawan at
nagkatuluyan. Maging sa pananamit,karamihan sa mga kadalagahan ngayon ay hindi
na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ngayon halos hindi na
iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin sila
marunong sumunod sa mga utos nito. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang
inatupagkundi mag-Dota,gumamit ng facebook,maglaro ng CoC at iba pa. Hindi
iniisip kung anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral lamang
sila. Nakakalungkot mang isipin, ngunit ito na ang larawan
ng kabataan ngayon. Pero maari pa itong maagapan kung isasabuhay lang nila
ang mga magagandang asal na itinuturo ng kanilang mga magulang at guro.
Tayong
mga kabataan, dapat nating tandaan,balikan at muling isabuhay ang mga
kaugaliang noon. Wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin itong
ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon,ang mahalaga’y hindi natin
malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ngbayan.Mga mahal
kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong
nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating
kaya nating mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating
iaangat ang Pilipinas sa kasalukuyang
estado nito.Hindi pa huli ang lahat,wag natin sayangin ang mga opurtunidad kung
saan napapakita natin dito na tayo talaga’y magdadala ng pag-asa sa
bayan.Gamitin natin ang lahat ng
ating talino at mga kakayahan sa tamang
paraan sapagkat tayo ang may hawak ng
susi sa kaunlaran ng ating bayan.Nasa atin ang kinabukasan ng ating
lipunan.Tayo ang matagal ng hinihintay na solusyon n gating bansa.Oras na para
kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mgakabataan ang pag-asa ng bayan.Kumilos,lumahok
at tumugon, mabuhay mga kabataan!Maraming salamat!Kudos!
Magandang reminder to para sa mga kabataan.sana mabasa nila! Sakit.info
ReplyDeleteAyus
ReplyDelete👍
ReplyDeleteSlots Casino Hotel - Mapyro
ReplyDeleteThe Slots Casino Hotel 보령 출장샵 provides 충청남도 출장샵 information on what's 광양 출장안마 near Slots Casino Hotel and what's in store for 순천 출장안마 you. We have a 시흥 출장안마 list of popular slots games to play,