Matagal na Sandali

  • 6
                                                     
   

            Naririnig ko ang mga maiingay na tunog ng tambutso.Nakikita ko ang daang patungo sa kaunlaran at tagumpay.Nakikipagpaligsan.Unti-unti silang nalalampasan.Dalawa nalang kaming natitira.Sino kaya ang magwawagi?Madikit ang labanan.Malapit na ang inaasam na "finish line".Ibinuhos ko ang lahat ng aking makakaya.Naiputol ang kambyada.Nakakita ng masilaw na ilaw. Ang mga gulong ko ang na una.

            Nakaraan ang mga linggo'y nagsimulang umangat ang buhay ko.Nag-uumapaw na pera.Dalawang magarbong bahay.Isang napakagandang asawa.Isang napakasayang pamilya.Nabubuhay ako ng masagana at walang problema.Ano pa ba ang hihingiin ko?Naging matagumpay sa pagkamit ng aking mga pangarap.Naging madali ang buhay ko.Kasiyahan? Araw-araw!Walang bagay sa mundong di kayang bilhin.May sapat ring oras para sa pamilya.

Walong taon ng nakalipas mula noong aking tagumpay.Di ko na maiwasang ipikit ang aking mga mata at magpasalamat sa Diyos kong mahal.Sa pagbuka ko ng mga ito ako’y nakakita na naman ng masilaw na ilaw.Ito'y kapareho ng ilaw na nakita ko dati.Sa aking pagbuka ng mga ito,nakita ko ang aking sarili na nasa coma.Naramdaman ko ang mga baling buto ng aking katawan.Tila'y nabaliwala ang lahat ng aking napagtagumpayan.Walong taon na pala akong nakatulog.Walong taong naka higa.Walong taong walang naggawa.Reality shifts and the dreams come to an end.

Papel ng mga Kabataan sa Kinabukasan ng Bayan

  • 4

            Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang kabataan, ang tugon sa kinabukasan.Kabataan, ang pag-asa ng lipunan.Kabataan,sasagot sa mga isyung panlipunan. Ang kabataan ang magpapaunlad sa susunod nahenerasyon.Ang kabataan ang mag-aangat sa Pilipinas. Ito ang palagi nating naririnig sa mga magulang, guro o sa mga matatanda.Ang kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan? Magpapa-angat  nga ba natin ang Pilipinas o tayo pa ang magpapabagsak dito?Maaring hindi ang sagot niyo sa ibang mga katanungan.Para saakin,kung magsisikap ang mga kabataan ay maari parin silang tawaging mga pag-asa ng bayan.Ibang-iba kasi ang kabataan natin ngayon kaysa noon.Konti nalang yung mga tipong nagsusumikap at may mga magagandang asal.
              Bumalik tayo sa nakaraan kung saan simpleng-simple pa ang buhay ng mga Pilipino.Wala pang mga magagarang mga kasuotan, simpleng-simple talaga ang isinusuot ng mga kabataan noon.Noong mga araw kung saan hindi pa lumago ang teknolohiya at wala pa ang social media.Hindi ba’t tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kababaihan ay kagalang-galang, “MariaClara” nga kung sila’y ating tawagin. Kung gusto naman ng isang binata ang isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng dalaga.Usong-uso pa noon ang pagpapadala ng liham ng mga kalalakihan sa mga babaeng kanilang nililigawan. Sa ilang programang ating napapanuod sa telebisyon, kailangan munangmamanhikan ng lalaki upang masigurong magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sapiling ng lalaki. Ang mga kabataan noon masunurin, magalang, walang bisyo,simpleng-simple atmaka-Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay tutok sa kanilang pag-aaral, hindi pa inaatupag ang pag-ibig kundi nagsisikap sila upang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho at kinabukasan.
Sa ngayon, kaunti na lamang ang mga kabataang ganyan. napakadali na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang isang bababe. Ang ilan nga’y sa text na nagkaligawan at nagkatuluyan. Maging sa pananamit,karamihan sa mga kadalagahan ngayon ay hindi na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ngayon halos hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin sila marunong sumunod sa mga utos nito. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang inatupagkundi mag-Dota,gumamit ng facebook,maglaro ng CoC at iba pa. Hindi iniisip kung anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral lamang sila. Nakakalungkot mang isipin, ngunit ito na ang larawan ng kabataan ngayon. Pero maari pa itong maagapan kung isasabuhay lang nila ang mga magagandang asal na itinuturo ng kanilang mga magulang at guro.
Tayong mga kabataan, dapat nating tandaan,balikan at muling isabuhay ang mga kaugaliang noon. Wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon,ang mahalaga’y hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ngbayan.Mga mahal kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating kaya nating mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat  ang Pilipinas sa kasalukuyang estado nito.Hindi pa huli ang lahat,wag natin sayangin ang mga opurtunidad kung saan napapakita natin dito na tayo talaga’y magdadala ng pag-asa sa bayan.Gamitin natin ang lahat  ng ating  talino at mga kakayahan sa tamang paraan sapagkat tayo ang may hawak  ng susi sa kaunlaran ng ating bayan.Nasa atin ang kinabukasan ng ating lipunan.Tayo ang matagal ng hinihintay na solusyon n gating bansa.Oras na para kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mgakabataan ang pag-asa ng bayan.Kumilos,lumahok at tumugon, mabuhay mga kabataan!Maraming salamat!Kudos!